Hindi madali maging OFW. Malayo ka na sa pamilya mo, nagtatrabaho ka pa araw-araw para sa magandang kinabukasan. Pero kahit nasa abroad ka, andami pa ring kailangan asikasuhin sa Pinas — lalo na pagdating sa mga government documents. PSA birth certificate, CENOMAR, NBI clearance, DFA Apostille, at kung anu-ano pa — ang daming kailangang lakarin, pero paano kung wala ka naman sa Pilipinas?
Mga Karaniwang Hirap ng OFWs sa Pag-ayos ng Documents
1. Walang Oras Laging pagod, laging kulang sa pahinga. Paano ka pa maglalakad ng papers kung halos wala ka nang free time sa trabaho?
2. Magkaibang Time Zone Kapag gising ka, sarado na ang mga opisina sa Pinas. Kapag bukas na sila, tulog ka naman o may pasok. Ang hirap mag-follow up.
3. Umaasa sa Kamag-anak Oo, madalas nating iasa sa kapatid o kamag-anak ang pag-asikaso ng papers — pero hindi rin ito laging maayos. Minsan nauuna pa ang ibang lakad nila kaysa sa documents mo. Naiintindihan naman natin — kasi busy rin sila.
4. Nakakalitong Requirements Iba-iba ang proseso per document. May notarization dito, may need ng affidavit doon, tapos may kulang ka pa palang ID. Ang ending — balik ka sa umpisa.
5. Mahal ang pabalik- balik Courier, printing, notaryo, pamasahe ng kamag anak - lahat may bayad pati pangkain nila. Isang mali lang, ulit na naman ang proseso, Sayang ang pera at oras!
Kaya Kailangan ng OFWs ang Document Assistance. Hindi mo na kailangang mastress. Sa dami ng sakripisyong binibigay ng isang OFW, hindi mo na dapat iniintindi ang haba ng pila, kulang sa requirements, o pabalik-balik na proseso.
Eto Totoong Kwento, Tunay na Struggles, na lagi na lang naming naririnig sa mga Kabayan natin na nasa Consulate para mag asikaso ng documents.
Andito Kami Para Tumulong Ka OFW. Sa ARC BIZ kami ang bahala sa mga dokumentong kailangan mo sa Pinas habang nasa abroad ka.
Sa ARC BIZ kami ang bahala sa mga dokumentong kailangan mo sa Pinas habang nasa abroad ka.
Hassle-free, maayos, at secure.